^

Metro

2 bebot sinalvage

-
Onsehan sa droga ang anggulong sinisiyasat ng pulisya na maaaring motibo sa isinagawang pag-salvage sa dalawang kababaihan kabilang dito ang isang estudyante ng Technological University of the Philippines (TUP) na natagpuang kapwa nakalilis ang mga damit at nakababa ang suot na shorts, kamakalawa sa bayan ng Taguig.

Kinilala ni Inspector Eduardo Paningbatan, hepe ng CID ng Taguig Police na sina Ma. Luz Malipolmali, 40 at Marieza Licayan, 28, dalaga 2nd year college sa TUP. Ang dalawa ay kapwa tadtad ng tama ng bala ng baril sa kanilang mukha at katawan.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Alain Sigua, ng Taguig police CID naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa panulukan ng Guevarra at A. Reyes Sts. sa Barangay Lower, Bicutan sa bayang ito.

Nabatid na naglalakad umano ang dalawang biktima nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang dalawang armadong kalalakihan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Isa sa sinisiyasat ng pulisya ang anggulong onsehan sa droga matapos na makuha sa mga ito ang tig-isang plastic sachet ng shabu na nakalagay sa suot na shorts ng mga ito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALAIN SIGUA

BARANGAY LOWER

INSPECTOR EDUARDO PANINGBATAN

LORDETH BONILLA

LUZ MALIPOLMALI

MARIEZA LICAYAN

REYES STS

TAGUIG

TAGUIG POLICE

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with