^

Metro

2 tulak na Tsino habambuhay na kulong

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng Manila Regional Trial Court (MRTC) sa dalawang Chinese national na napatunayang nagkasala sa ilegal na bentahan ng shabu na umaabot sa mahigit na 20 kilo dalawang taon na ang nakakaraan.

Kapwa pinagbayad din ng P1M bawat isa bilang multa ni Judge Teresa P. Soriaso ng Branch 27 ang mga nahatulan na sina Ping Ching Choi at Zhi Xiao Chen sa paglabag nito sa Section 15 at 16 ng Republic Act. 6425 o ng Dangerous Drug Act.

Kinumpiska rin ng korte ang kotseng ginamit ng mga nahatulan nang isagawa ang krimen.

Naganap ang pag-aresto sa dalawa noong Hulyo 26, 2000 matapos magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad ang isang impormante patungkol sa operasyon ng dalawa .

Hindi pinanigan ng korte ang depensa ng mga akusado na dinukot lamang umano sila sa kanilang tinutuluyang bahay ng mga umarestong pulis dahil may galit ang mga ito sa kanila dahil napatunayan ng mga pulis sa korte na hindi nila kilala ang mga nahatulan at wala silang personal na galit dito kundi ginagampanan lamang nila ang kanilang trabaho, ayon kay Judge Soriaso. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

DRUG ACT

HABAMBUHAY

JUDGE SORIASO

JUDGE TERESA P

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PING CHING CHOI

REPUBLIC ACT

ZHI XIAO CHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with