^

Metro

PNP chemist na dumugas ng 1.53 kilo ng shabu, sumuko

-
Sumuko kahapon sa pamunuan ng PNP ang forensic chemist ng Crime Laboratory matapos na tangayin ang may 1.53 kilo ng shabu na nakatakda sanang iprisinta sa isang paglilitis sa korte laban sa isang talamak na drug pusher kamakailan.

Kasabay nang isinagawang pagsuko isinauli rin naman ni Inspector Delfin Torregoza ang tinangay niyang shabu dakong alas-5 ng umaga mismo sa kanyang hepe na si Senior Supt. Restituto Mosqueda, director ng Crime Laboratory.

Ngunit nang timbangin ang naturang shabu, nabatid na kulang na ito ng 174 gramo sa orihinal nitong timbang. Agad na isinailalim sa urine at blood examination si Torregoza kung saan nadiskubre ito na positibo sa paggamit ng shabu.

Ayon kay PNP chief Director General Hermogenes Ebdane na nakatakda sanang iprisinta ang naturang shabu noong Hunyo 6 sa isang paglilitis laban sa akusadong si Josefino Fernandez sa sala ng Manila Regional Trial Court.

Hindi umano dinala ni Torregoza ang naturang ebidensiya sa korte matapos na kuhain sa stock room ng crime laboratory.

Nabatid na nadiskubre lamang ang pagnanakaw ni Torregoza nang magsagawa ng Comprehensive Drug Inventory ang Crime Lab kung saan lumitaw na nawawala nga ang naturang ebidensiya. (Ulat ni Danilo Garcia)

CRIME LAB

CRIME LABORATORY

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

DRUG INVENTORY

INSPECTOR DELFIN TORREGOZA

JOSEFINO FERNANDEZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

RESTITUTO MOSQUEDA

TORREGOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with