Batay sa ulat, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang mga biktimang nakilalang sina Reymond Sonza, 17 at Robert Mijares, 16. Ang dalawa ay agad na isinugod sa Fairview General Hospital na doon ay nakikipaglaban sila kay kamatayan.
Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pustahan dakong alas-3 ng madaling araw ang mga biktima at ang suspect sa drag racing sa kahabaan ng Visayas Avenue sa nabanggit na lungsod.
Bahagyang naungusan ng sasakyan ng mga biktima na Toyota Corolla na may plakang 822 ang sasakyan ng suspect nang magsimula ang karerahan.
Hindi umano nagustuhan ng suspect ang pangyayari at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng sasakyan ng mga biktima hanggang sa makarating sa Quirino Highway.
Tiniyak naman ni CPD director Senior Supt. Napoleon Castro na padadagdagan niya ang police visibility sa mga lugar na pinaglalaruan ng karera ng mga kabataan na pinagmumulan pa ng mga kaguluhan. (Ulat ni Doris Franche)