^

Metro

11 miyembro ng 'Ipit-gang' timbog

-
Labing-isang miyembro ng ‘Ipit-gang’ ang nadakip ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) Station 9 matapos na magtangkang magsagawa ng kanilang operasyon sa loob ng isang bus, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspect na sina Eddie Mendoza, 29; Junie Forcadilla, 37; Robillo Lacerna, 24; Joel Moya, 24; Joel Asia, 23; Rommel Padua, 32; Edwin Sakay, 32; Billy Mendoza, 18; Joseph Conejos, 32; Roberto Candilada, 29 at Aldrin Aldiano, 29, pawang tubong Leyte at mga residente ng Sitio, Batasan Hills, Filinvest ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya ang mga suspect ay sakay ng Ma-Fel ordinary bus patungong Fairview nang madakip ng mga pulis sa Philcoa, Commonwealth, Barangay Old Capitol Site sa Quezon City.

Napag-alaman na nakipagsiksikan ang mga suspect sa mga pasahero ng bus upang maisagawa ang kanilang modus operandi.

Nabatid na isa sa mga pasahero ang nahulog dahilan upang magkagulo sa loob ng bus na nakakuha naman sa atensyon ni PO3 Armando Rivera na noon ay nasa naturang lugar.

Hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspect matapos pagtulung-tulungan ng mga pasahero.

Nasamsam sa mga ito ang iba’t ibang unit ng cellphones at wallet ng kanilang mga naging biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALDRIN ALDIANO

ARMANDO RIVERA

BARANGAY OLD CAPITOL SITE

BATASAN HILLS

BILLY MENDOZA

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

EDDIE MENDOZA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with