^

Metro

Driver/Bodyguard ni Rod Navarro tugis sa pananagasa

-
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang umano’y driver at bodyguard ng komentaristang si Rod Navarro na umano’y nanggulpi at nanagasa sa isang magkaibigan na nakaaway nito sa loob ng isang videoke bar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa National Orthopedic Hospital ang mga biktima na si Rochel Ilagan, 24 at Ernesto Racuna, 24, residente ng Cubao, Quezon City sanhi ng tinamong bali sa katawan at sugat.

Samantalang ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Alyas Rommel, sinasabing driver/bodyguard ni Navarro ay mabilis na tumakas kasama ang lima pang kasamahan nito matapos ang insidente.

Batay sa ulat, dakong ala-1:42 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa tapat ng Country Valley Restaurant sa Rodriguez Boulevard sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagkasabay ang grupo ng suspects at ang dalawang biktima na nag-inom sa naturang videoke bar ng magkaroon ng pagtatalo.

Binugbog ng grupo ng mga suspect ang magkaibigan, hindi pa nakuntento inabangan ng mga suspect ang dalawa sa labasan at saka sinundan ng pananagasa. Hindi nakuha ang plate number ng pulang kotseng ginamit ng mga suspect nang sagasaan ang dalawang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALYAS ROMMEL

BATAY

COUNTRY VALLEY RESTAURANT

DORIS FRANCHE

ERNESTO RACUNA

NATIONAL ORTHOPEDIC HOSPITAL

QUEZON CITY

ROCHEL ILAGAN

ROD NAVARRO

RODRIGUEZ BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with