Ang dinakip ay si Julio de Vera, 52, ng 10th Avenue, Caloocan City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadakip ang suspect matapos itong ireklamo ng isang Rowena David, 34, may-ari ng isang Promotion Agency at residente ng Singalong St.
Binanggit ng biktima na nagtungo sa kanilang tanggapan si de Vera at nagpakilalang opisyal ng pulis sa WPD. Nagbebenta ito ng tiket sa concert ni Regine para umano sa Christmas party sa himpilan ng pulisya.
Dahil sa namahalan ang biktima sa halagang P5,000 ay tumanggi ito, subalit dinaan sila sa pananakot ng suspect.
Lingid sa kaalaman ng suspect ay nakatawag na sa pulisya ang biktima kaya pagbaba niya sa tanggapan ng huli ay nakaabang na roon ang mga umaresto sa kanyang tunay na pulis. (Ulat ni Grace dela Cruz)