Montero brothers, Vanessa, 3 sa Power Boys tugis ng BID
September 27, 2002 | 12:00am
Nahaharap sa pag-aresto ang ilang mga kilalang artista kabilang dito sina Vanessa del Bianco, ang Montero brothers at tatlo pa sa miyembro ng bagong grupong Power Boys bunsod nang hindi nito pagtugon sa reglamento ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) na kung saan kailangan nilang kumuha ng special working permit para makapanatili at makapagtrabaho sa bansa.
Ito ang nabatid mula kay Immigration Commissioner Andrea Domingo makaraang atasan nito si Chief Intelligence Lino Calingasan na repasuhin ang pagdakip sa mga nasabing bituin.
Nauna rito matatandaan na binigyan ng 30 days na palugit ang mga nabanggit na artista upang kumuha ng working visa permit dahil sa kanilang pagiging dayuhan dahil sa taglay nilang foreign passport. Samantala, sinasabing wala sa bansa si del Bianco at KC Montero sa kasalukuyan at tanging ang tatlo sa power boys ang nalalagay sa alanganin bunsod ng direktang ito ni Commissioner Domingo. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest