Ito ang tiniyak kahapon ni DOTC Undersecretary Arturo Valdez sa panayam ng mediamen.
Ayon kay Valdez, naniniwala ang kanilang tanggapan na sa sandaling malinis na sa mga colorum PUVs ang Metro Manila ay malaki ang maitutulong nito upang magluwag na ang masikip na daloy ng trapiko.
Sa rekord ng DOTC, umaabot sa mahigit 8,000 ang mga bumibiyaheng PUVs sa Metro Manila kung saan halos kalahati ng nasabing bilang ay pawang mga kolorum.
Samantala, naitala naman sa 200 ang nahuling mga kolorum PUVs kabilang na ang 140 pampasaherong bus, partikular na sa kahabaan ng EDSA simula nang ipatupad ang crackdown sa ilalim ng termino o sa loob ng mahigit dalawang buwang panunungkulan ni DOTC Secretary Leandro Mendoza. (Ulat ni Joy Cantos)