^

Metro

Kolorum ng PUVs wawalisin sa loob ng 6 buwan

-
Lilinisin ng Department of Transportation and Communications (DOTC) laban sa mga colorum public utility vehicles (PUVs) ang Metro Manila, partikular na ang mga bumibiyaheng pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA upang maresolba ang malalang daloy ng trapiko.

Ito ang tiniyak kahapon ni DOTC Undersecretary Arturo Valdez sa panayam ng mediamen.

Ayon kay Valdez, naniniwala ang kanilang tanggapan na sa sandaling malinis na sa mga colorum PUVs ang Metro Manila ay malaki ang maitutulong nito upang magluwag na ang masikip na daloy ng trapiko.

Sa rekord ng DOTC, umaabot sa mahigit 8,000 ang mga bumibiyaheng PUVs sa Metro Manila kung saan halos kalahati ng nasabing bilang ay pawang mga kolorum.

Samantala, naitala naman sa 200 ang nahuling mga kolorum PUVs kabilang na ang 140 pampasaherong bus, partikular na sa kahabaan ng EDSA simula nang ipatupad ang crackdown sa ilalim ng termino o sa loob ng mahigit dalawang buwang panunungkulan ni DOTC Secretary Leandro Mendoza. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOY CANTOS

LILINISIN

METRO MANILA

SAMANTALA

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

UNDERSECRETARY ARTURO VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with