Salamin sa kabaong ng ina winasak ng anak
September 27, 2002 | 12:00am
Isang ahente ng insurance ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang magwala at basagin ang salamin sa kabaong ng kanyang nakaburol na ina, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.
Ang pagwawala ni Alner Ragrag, 25, ng Factor Compound, Brgy. Almanza Uno ng nabanggit na lungsod ay nag-ugat makaraang mag-away at maglabu-labo ang mga kaanak ng kanyang ama at ng kanyang ina sa burol ng huli.
Magugunitang napatay ng kanyang ama na si Alejandro ang kanyang inang si Melchora noong nakalipas na Linggo matapos ang mainitang pagtatalo dahil lamang sa selos.
Sa burol ng ina ay nagtagpo ang kanilang mga kamag-anak sa partido ng kanyang ina at sa partido ng ama.
Hindi naman naiwasan na magsumbatan dahil sa naganap sa mag-asawa hanggang sa tuluyan nang nagrambol ang mga ito.
Pinilit ni Alner na umawat dahil na rin sa sobrang iskandalo na inaabot ng kanilang pamilya subalit hindi siya pinakinggan kaya ang napagdiskitahan nito ay ang salamin sa kabaong ng ina na kanyang binasag.
Dahil dito, siya naman ang pinahuli ng kanilang mga kamag-anak. Ito ay nakatakdang sampahan ng kasong alarm scandal at assault upon person in authority makaraang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am