Pintor di nagbigay ng pulutan, kinatay
September 26, 2002 | 12:00am
Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng isang pintor nang pagtatagain ito ng tatlong kalalakihan makaraang makalimutan nito ang kanyang pangakong pulutan para sa kanilang inuman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing biktima na si Norberto Albaytar, 47, ng Libis, Camarin ng nabanggit na lungsod.
Samantala, kasalukuyang pinaghahanap ng mga tauhan ng pulisya ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Kosa at dalawa pa nitong kasamahan na mabilis na nakatakas matapos ang pamamaslang sa biktima.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa bakanteng lote na matatagpuan sa loob ng Doña Ana Subdivision sa Bicol Area, Camarin.
Lumabas sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang biktima na may dala-dalang ilang piraso ng longganisa na ipauulam sana nito sa kanyang pamilya.
Napag-alaman na bago ang insidente, nakapangako di-umano ang nasawi na sasagutin nito ang pulutan ng magkakaibigan sa oras na magkaroon sila ng inuman.
Nang makita ng mga suspect ang dala nitong longganisa ay hiniritan nila ang biktima na ito na lamang ang ibigay sa kanila, bagay na tinanggihan nito dahil pang-ulam umano ito ng kanyang pamilya.
Nagalit umano si Kosa" at sinabihang madamot ang biktima. Dito na nagkaroon ng pagtatalo hanggang isa pa sa mga suspect ang kumuha ng bolo at pinagtataga si Albaytar.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin. Patuloy namang sinisiyasat ang kaso. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am