Bahay ni Diether Ocampo pinaulanan ng bala
September 26, 2002 | 12:00am
Paghihiganti laban sa kampanya ni Videogram Regulatory Board Chairman Bong Revilla ang anggulong tinitingnan ngayon ng Quezon City Police sa naganap na pagpapaulan ng bala ng baril sa bahay ng sikat na matinee idol na si Diether Ocampo kahapon ng umaga sa Quezon City.
Bunsod ng galit umano ng mga kalaban ni Revilla sa patuloy na kampanya nito l aban sa mga pekeng CD, malamang umanong ang bahay ni Diet ang pinuruhan ng mga di pa kilalang suspect.
Si Diether ay nobyo ng kapatid ni Bong na si Andrea na nakilala sa pelikula nitong "Dang-Dong".
Sa report ng QC Police Investigation Division, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw ay mistulang napaaga ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa kanto ng Sct. Gandia at Sct. Tuazon nang magulantang ang mga kapitbahay at kasambahay ng aktor nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok.
Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, puntirya ng mga di-kilalang armadong kalalakihan ang bahay ng matinee idol na siyang niratrat ng bala ng baril subalit wala namang napaulat na nasawi o nasugatan man lamang.
Sinabi naman ng isang mapagkakatiwalaang source na malapit sa pamilyang Ocampo, posibleng may kinalaman umano sa kampanya ni Bong Revilla ang insidente na galit na galit sa patuloy na paglilinis ng huli laban sa mga pekeng CD at VCD. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended