^

Metro

2 empleyado ng RTC nag-duwelo dahil sa babae

-
Nang dahil lamang umano sa babae, dalawang empleyado sa Manila Regional Trial Court ang nagpambuno at halos magbarilan sa loob ng kanilang tanggapan kahapon ng umaga.

Nagkagulo ang mga empleyado sa ikaapat na palapag ng City Hall partikular sa Room 421 kung saan ito ang tanggapan ng Branch 19 sa ilalim ni Judge Zenaida Daguna laluna nang aksidenteng pumutok ang isang baril na pinag-aagawan nina Eduardo Nitafan, warrant server at Ricardo Simeon na isa namang deputy sheriff doon.

Dakong alas-11:30 ng umaga nang bigla umanong magtalo ang dalawa at dahil dito, bigla na lang binunot ni Nitafan ang 9mm na baril na nakasukbit sa baywang ni Simeon.

Tinangka ni Simeon na bawiin ang kanyang baril hanggang sa magpambuno ang dalawa at pinag-agawan ito. Ilang minuto pa ay narinig ang malakas na putok at mabuti na lamang at sa sahig nakatutok ang baril.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

Nang dumating ang pulisya ay saka lamang naawat ang dalawa na sa inisyal na imbestigasyon ay babae umano ang pinag-awayan ng mga ito. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

CITY HALL

DAKONG

EDUARDO NITAFAN

ILANG

JUDGE ZENAIDA DAGUNA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NAGKAGULO

NANG

RICARDO SIMEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with