5 nalason sa puto't kutsinta
September 25, 2002 | 12:00am
Limang menor de edad ang nalason matapos makakain ng panis na putot kutsinta na ibinayad sa isang manikurista kapalit ng serbisyo nito sa Pasig City, kahapon ng umaga.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga biktimang nakilalang sina Rochelle Pades, 5; Martin Baal at magkakapatid na Doresa Estrabella, 15, Erica, 9 at Eden, 5 na pawang residente ng Brgy. Maybunga sa nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon, dakong alas- 11 ng umaga nang magpa-manicure kay Rebecca Estrabella si Ester Aquino, 42, tindera ng mga kakanin.
Ayon sa salaysay ni Estrabella, panay umano ang kuwento ni Aquino habang nililinisan niya ito ng kuko at nang singilin na niya ay wala naman palang pambayad at sa halip ay inalok na lamang na kapalit na bayad ang tindang puto at kutsinta.
Dahil sa kabaitan ay tinanggap na lamang ito ng manikurista na pag-uwi niya ng bahay ay ipinakain naman niya sa tatlong anak at sa dalawang kalaro nito.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakaramdaman na ang mga bata ng pagkahilo at pagsakit ng tiyan, kasunod nito ang pagsusuka kaya napilitan siyang dalhin na ang mga ito sa pagamutan.
Sa ospital niya nabatid na nalason ang mga bata sa kinaing kakanin na umanoy panis na.
Pinaghahanap naman ng pulisya si Aquino upang papanagutin sa kinasapitan ng mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended