Ayon kina Ma. Zeny Valdez, may-ari ng Rufon-Valdez Building sa Murphy, Quezon City na nag-invest siya ng halagang P17 milyon sa ICS sa pangako na tutubo ito ng pito hanggang 10 porsiyento kada buwan, samantalang P23 milyon naman ang ininvest ni Gng. Helen Velasco ng J.J Enterprises. Si Velasco ang siyang nagsusupply ng military equipment sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.
Ayon kay Valdez Marso 2000 nang magsimulang umupa sa kanyang gusali si Sison sa 95 Doña Juliana St., Filinvest East Homes, Cainta Rizal, subalit Hunyo 2002 ng mahinto ang pagbabayad nito ng upa sa gusali.
Sumunod na tumalbog ang mga tseke na inisyu sa kanila ni Sison na nagkakahalaga ng milyong piso.
Si Sison ay nadakip sa loob ng isang supermarket sa Cubao, Quezon City dakong alas-3 ng hapon noong Lunes. Ito ay nakatakdang sampahan ng kasong large scale estafa, grave threats at usurpation of authority sa Quezon City Prosecutors Office. (Ulat ni Doris Franche)