^

Metro

100 biktima ng pyramid dumagsa sa police station

-
Dumagsa sa Central Police District ang may 100 biktima ng pyramid scam ni Emilia Sison, 48, ng International Commodity Sales (ICS) kabilang na ang may-ari ng inuupahan nitong gusali at hipag ni PN-NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco.

Ayon kina Ma. Zeny Valdez, may-ari ng Rufon-Valdez Building sa Murphy, Quezon City na nag-invest siya ng halagang P17 milyon sa ICS sa pangako na tutubo ito ng pito hanggang 10 porsiyento kada buwan, samantalang P23 milyon naman ang ininvest ni Gng. Helen Velasco ng J.J Enterprises. Si Velasco ang siyang nagsusupply ng military equipment sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Ayon kay Valdez Marso 2000 nang magsimulang umupa sa kanyang gusali si Sison sa 95 Doña Juliana St., Filinvest East Homes, Cainta Rizal, subalit Hunyo 2002 ng mahinto ang pagbabayad nito ng upa sa gusali.

Sumunod na tumalbog ang mga tseke na inisyu sa kanila ni Sison na nagkakahalaga ng milyong piso.

Si Sison ay nadakip sa loob ng isang supermarket sa Cubao, Quezon City dakong alas-3 ng hapon noong Lunes. Ito ay nakatakdang sampahan ng kasong large scale estafa, grave threats at usurpation of authority sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CAINTA RIZAL

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

EMILIA SISON

FILINVEST EAST HOMES

HELEN VELASCO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with