^

Metro

Houseboy dinedo ang amo at sekyu

-
Isang houseboy ang nabaril at napatay ng mga tauhan ng Caloocan City police matapos nitong magkasunod na patayin ang kanyang amo at isang sekyu, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ng nasawing suspect na si Danilo Loreyna, 19, tubong Barrio Subdivision, Mahayhay, Laguna.

Samantalang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University Hospital sina Wilfredo Lumod, 30, negosyante, amo ng suspect at naninirahan sa nabanggit na lungsod at ang sekyu na si Renato Vallega, ng Safeguard Armor Security Corp.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang paslangin ng suspect na si Loreyna ang kanyang among si Lumod. Pinasok umano ng suspect sa kuwarto ang amo at saka pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Hindi pa ito nasiyahan bago umalis ay dalawang ulit pa ring binaril ang amo.

Sinabi ng saksing si Larry Lauros, 29, nakita niya ang suspect na papalabas sa bahay ng biktima na puro bahid ng dugo ang kamay at tumakas patungo sa terminal ng Victory Liner. Parang wala sa sarili na parang sinasaniban umano ito masamang espiritu.

Agad siyang humingi ng tulong sa pulisya at hinabol sa terminal si Loreyna.

Sa terminal, habang tumatakbo ang suspect ay nadaanan nito ang nakatayong si Vallega at walang sabi-sabi ring binaril sa ulo.

Natunton na siya ng mga nagrespondeng pulis subalit imbes na sumuko ay nagtangka pa itong manlaban at pinaputukan ang mga pulis dahilan naman upang gumanti ng pagpapaputok ng baril ang mga pulis at tinamaan ang suspect na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BARRIO SUBDIVISION

CALOOCAN CITY

DANILO LOREYNA

LARRY LAUROS

LOREYNA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

RENATO VALLEGA

ROSE TAMAYO

SAFEGUARD ARMOR SECURITY CORP

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with