^

Metro

Hepe ng MTRCB ipinapaaresto

-
Ipinaaaresto ni Manila Regional Trial Court (MRTCB) Branch 32 Judge Juan Nabong ang kasalukuyang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman na si Ma. Elena Dinglasan kaugnay ng kinakaharap nitong paglabag sa Batas Pambansa #22 o violation of bouncing check act.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Nabong kahapon ng hapon alinsunod sa isinampang kaso kay Dinglasan ng isang negosyanteng si Carmelita Romero.

Ayon sa Clerk of Court na si Atty. Loida Moralejo, ang kaso laban kay Dinglasan ay isinampa noon pang 1986 kung saan isang tsekeng nagkakahalaga ng P50,000 ang ibinayad ni Dinglasan kay Romero. Gayunman, ang tseke ay walang pondo na siyang nagbunsod upang kasuhan ni Romero si Dinglasan.

Nabatid din na ang nasabing kaso ay na-archive noong 1988 at noong 1989 ay napunta na ito kay Judge Nabong na kung saan ay nagpalabas din ito ng warrant of arrest laban kay Dinglasan pero hindi ito nai-serve.

Nitong taon lamang ito muling hiniling ni Romero na ipaaresto si Dinglasan kung saan ay tinugon kahapon ni Judge Nabong nang magpalabas ng tinatawag na ‘alias warrant’.

Nabatid din mula sa NBI na umano’y may kinakaharap pang pagkakautang si Dinglasan mula naman sa ina ni sexy star Rica Peralejo na umano’y umaabot na sa P13M. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BATAS PAMBANSA

CARMELITA ROMERO

CLERK OF COURT

DINGLASAN

ELENA DINGLASAN

JUDGE JUAN NABONG

JUDGE NABONG

LOIDA MORALEJO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with