^

Metro

Selosang misis napatay ni mister

-
Isang 53-anyos na ginang ang napatay sa saksak ng kanyang mister matapos umanong mapuno ang huli dahil sa pagiging selosa ng una na naganap kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Patay na nang idating sa Alabang Medical Center ang biktima na nakilalang si Melchora Ragrag ng Factor Compound, Brgy. Almanza 1 ng nabanggit na lungsod bunga ng tinamong dalawang saksak sa kili-kili.

Samantala, nadakip naman ng mga kagawad ng Las Piñas City Police ang suspect na mister na si Alejandro Ragrag, 55.

Ayon kay Inspector Nesber Mendez, hepe ng Criminal Investigation Division (CID) ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na nagselos umano ang biktima sa suspect at pinaghinalaan na nambababae ito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa tuluyang maasar ang mister at kumuha ng kutsilyo at saka dalawang ulit na sinaksak ang misis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CENTER

ALEJANDRO RAGRAG

ALMANZA

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

FACTOR COMPOUND

INSPECTOR NESBER MENDEZ

LAS PI

LORDETH BONILLA

MELCHORA RAGRAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with