Nagkulitan, lalaki sinaksak ng barkada, todas
September 23, 2002 | 12:00am
Dahil lamang umano sa pagkukulitan, sinaksak hanggang sa mapatay ng kanyang sariling barkada ang isang 30-anyos na lalaki habang ginaganap ang kaarawan ng isa nilang kabarkada kahapon ng umaga sa Sta. Quiteria, Caloocan City.
Si Ronaldo Tongco, may-asawa at residente ng #573 Ignacio compound, Baesa ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa Lantin Hospital sanhi ng isang malalim na tama ng saksak sa dibdib.
Kusa namang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Antonio Orque de Una Jr., 21 anyos, binata, painter at nakatira sa #497 NPC compound, Sta. Quiteria, Baesa, Caloocan.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Jaime Basa, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.
Nabatid bago naganap ang pananaksak, ang biktima, suspek, isang nagngangalang Rose Pineda at ilang malalapit na kaibigan ay masayang nag-iinuman dahil nag-seselebra ng kaarawan ang isa nilang kainuman.
Nang nasa kainitan ng pag-iinuman ng grupo ay biglang nagkulitan ang suspek at si Pineda dahil lamang umano sa walang saysay na kuwentuhan.
Habang nagkukulitan ang dalawa ay biglang tumayo si Tongco at walang sabi-sabing hinampas nito ng isang kapirasong bakal ang bibig ng suspek dahilan upang ito ay bumuwal sa lupa.
Bagamat mahilo-hilo ang suspek ay nagawa nitong makatayo at makita niya ang biktima na may hawak ng patalim at tatangkain saksakin ang suspek hanggang sa magkagulo na.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakita na lamang duguan na si Tongco at may malalim na tama ng saksak sa dibdib.
Ayon kay de Una, kaya niya nasaksak si Tongco ay dahil naagaw lamang niya ang patalim na hawak nito na isasaksak sa kanya.
Ang biktima ay mabilis na isinugod ng ilang kaibigan sa nasabing pagamutan subalit habang nasa daan ay binawian na ito ng hininga. (Ulat ni Rose I. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended