^

Metro

3 biktima ng salvage, itinapon sa kariton

-
Tatlong lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang magkakapatong sa loob ng isang kariton, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Balon-Bato sa Quezon City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Anthony Siaton, 25, construction worker, ng Bagong Barrio, Caloocan City; isang alyas Grogie at isang nasa gulang na 25 hanggang 30, may taas na 5’6 talampakan at may tattoo na ‘Jimmy Reyes’ sa kanyang kaliwang braso.

Ayon sa ulat natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa isang bakanteng lote sa tabi ng Sunday Machine Works sa 78 Quirino Highway, Brgy. Balon-Bato, Q.C.

Nagtamo ang mga ito ng tama ng bala ng baril sa kanilang ulo at katawan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang tatlo at itinapon na lamang sa nabanggit na lugar para lituhin ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANTHONY SIATON

BAGONG BARRIO

BALON-BATO

BRGY

CALOOCAN CITY

DORIS FRANCHE

JIMMY REYES

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

SUNDAY MACHINE WORKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with