Bombing, kidnap ihahasik sa Metro ng Pentagon
September 21, 2002 | 12:00am
Nakaalerto ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) laban sa umanoy plano ng kilabot na Pentagon gang na maghasik ng terorismo sa Metro Manila sa pamamagitan ng pangingidnap at pambobomba sa mga mataong lugar.
Base sa intelligence report, ang planong ito ay pangungunahan ng puganteng Pentagon member na si Abdul Macaumbang.
Base sa intelligence report na nakalap ng PNP, nabatid na nasa Metro Manila ngayon si Macaumbang kasama ang ilang tauhan. Plano ng mga ito na magsagawa ng destabilisasyon upang guluhin ang sitwasyon ng pamamalakad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Macaumbang na lamang ang natitira sa mga tumakas sa detention compound ng binuwag na NAKTAF sa Camp Crame noong nakalipas na Hunyo 19 matapos na kapwa mapatay sa magkahiwalay na insidente sina Pentagon leader Faisal Marohombsar at Rolando Patinio sa Cavite.
Kinumpirma ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane ang naturang ulat. Aniya, ito ay nagtugma sa ilang ulat na ang sunud-sunod na pagdukot na nagaganap sa bansa ay naglalayong ipahiya ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa kidnapping.
Siniguro naman ni Ebdane na malapit na nilang matunton ang pinagtataguan ni Macaumbang at ng grupo nito dahil sa impormasyon na kanilang nakalap.
Ibinulgar din nito na bukod sa pangingidnap, magsasagawa rin sana ang grupo ni Patinio ng mga pambobomba sa Metro Manila at karatig lalawigan kung hindi lamang sila natunton noong nakalipas na Miyerkules.
Inaalam naman ng pulisya kung meron at kung sinumang mga prominenteng tao ang nasa likod ng naturang sindikato na ang plano ay pabagsakin ang pamahalaang Arroyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended