^

Metro

Li Peng, inabsuwelto sa toxic chemicals

-
Pinawalang sala ng Department of Justice (DOJ) sa kasong kriminal si suspected smuggler at dating Presidential Adviser on Mindanao Economic Affair na si Li Peng Wee.

Sa anim na pahinang resolusyon ng DOJ, si Li Peng Wee lamang ang pinawalang sala sa nasabing kaso dahilan sa wala umano silang makitang sapat na basehan para patunayan na nakipagsabwatan ito sa mga Malaysian nationals na nagdala ng ilegal na kemikal.

Base sa nilalaman ng resolusyon na hindi maaaring pagbatayan ang anumang testimonya ng isang akusado para idawit sa krimen ang isang tao na hindi naman nahuli mismo sa pinangyarihan ng krimen sa kabila na itinuro ng isang state witness na si Tan Nge Foo na si Li Peng Wee na kasabwat sa krimen at consignee ng 39 na drum ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Nagsimula ang kaso matapos na sampahan ito ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code at illegal importation of chemicals ng Bureau of Customs ang mga nadakip na Malaysian nationals na sina Gajar Munong, Nanci Lim, Ang Beng Ean, Sim Kwan Kean at Ton Nge Foo. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANG BENG EAN

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAJAR MUNONG

GEMMA AMARGO

LI PENG WEE

MINDANAO ECONOMIC AFFAIR

NANCI LIM

PRESIDENTIAL ADVISER

SIM KWAN KEAN

TAN NGE FOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with