^

Metro

Thrill killer sumalakay muli, welder kinatay

-
Muli na namang sumalakay kahapon ng madaling araw ang gumagalang kilabot na ‘thrill killer’ sa CAMANAVA area kung saan isang welder naman ang tinadtad ng saksak habang ang huli ay nagpapahinga malapit sa kanyang bahay sa Malabon City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong maraming saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Manuel Limpiado, 32, ng Lot 1 Block 6 Phase 2 Paradise Village ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ni PO2 Redentor Mantala Jr., may hawak ng kaso na dakong alas-2 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang ang biktima ay nagpapahingang mag-isa malapit sa kanyang bahay. Sinabi ng ilang testigo na isang lalaki ang napadaan malapit sa biktima at walang pakundangan nitong pinagsasaksak ang biktima.

Nang matiyak na wala nang buhay ang biktima ay ipinunas pa umano nito (suspect) ang dugo ng biktima sa kanyang mukha at suot na damit.

Magugunita, kamakailan na isang lalaki rin ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa nabanggit ding lugar kung saan ay magkahalintulad ang pagkakasagawa ng krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

MAGUGUNITA

MALABON CITY

MANUEL LIMPIADO

MULI

NAMATAY

NANG

PARADISE VILLAGE

REDENTOR MANTALA JR.

ROSE TAMAYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with