Deputy exec director ng OMA patay sa ambus
September 20, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang mataas na opisyal sa Office of Muslim Affairs (OMA) sa ilalim ng Office of the President habang papasakay ng kanyang kotse kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Patay na nang idating sa St. Lukes Medical Center ang biktima na nakilalang si Khakis Mikunog, 52, OMA Deputy Executive Director at naninirahan sa 173 Sct. Limbaga St., Kamuning Quezon City makaraang magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon kay Chief Inspector Rodolfo Jaraza, hepe ng homicide division ng CPD- Criminal Investigation Unit, naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng tanghali nang bumaba ng kanyang opisina sa 117 Ablaza Bldg., E. Rodriguez Avenue ang biktima at agad na nagtungo sa parking lot. Pasakay na si Mikunog sa kanyang sasakyan ng biglang lapitan ng suspect. Walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala ng baril. Isa pang suspect ang nagsilbing look-out.
Nabatid na uuwi lamang ang biktima para sa bahay mananghalian ng maganap ang insidente.
Matapos ang isinagawang pamamaslang, kaswal na naglakad lamang ang killer patungong Araneta Avenue.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended