^

Metro

166 kabo ng jueteng nalambat

-
Umaabot sa 166 jueteng personnel ang dinakip ng mga tauhan ng Department of Interior and Local Government-Task Force Jericho (DILG-TF-Jericho) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa isinagawang operasyon sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Joey Lina, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa walang tigil na kampanya ng pamahalaan laban sa ibat-ibang illegal gambling activities.

Nabatid na 26 ang naaresto sa Valenzuela City habang nagsasagawa ng bolahan kamakalawa ng gabi sa gambling den sa 119 Tangke st., Brgy. Malinta; 9 sa Tondo; 7 sa Quezon City at ang iba ay sa lalawigan ng Tarlac, Isabela, Batangas at Quezon.

Sinabi naman ni Supt. Noel Estanislao,hepe ng TF-Jericho na malaki ang naitulong ng kanilang ipinalabas na text hotline sa pagsugpo ng mga jueteng operation sa bansa.

Ang naaresto ay nakatakdang sampahan ng paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law sa piskalya.(Ulat ni Doris Franche)

AYON

BATANGAS

DORIS FRANCHE

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NOEL ESTANISLAO

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with