17 anyos na binata todas sa gang war

Isang 17 anyos na lalaki ang hindi na umabot ng buhay matapos na ito ay mabaril sa isang gang war kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Dead on arrival sa UST Hospital ang biktimang si Jonathan Ricalde, ng 1154 Algeciras st.,Sampaloc,ng nasabing lungsod,miyembro ng True Brown Style (TBS) sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Hindi pa mabatid ng awtoridad ang pangalang ng mga suspek na pawang mga miyembro ng Chinese Mafia Gang na nakalaban ng grupo ng biktima na mabilis na nagsitakas matapos ang pangyayari.

Nabatid sa report ni PO3 Rodelio Lingcong ng WPD-Homicide Division,naganap ang rambulan dakong alas-12:40 ng madaling araw sa kanto ng P. Florentin at RS Cristobal st., sa nasabing lugar nang nang pagbabatuhin umano ng Chinese Mafia Gang ang TBS nang magsalubong ang mga ito.

Hindi nagpatalo ang TBS at gumanti ng bato at pagkatapos ay buong tapang nilang nilusob ang kaaway na gang kahit na mas marami ang bilang ng mga ito sa kanila.

Subalit sa kanilang paglusob sila agad ay pinagbabaril ng mga ito at tinamaan ang biktima sa nasabing parte ng katawan. (Ulat ni Grace Dela Cruz)

Show comments