^

Metro

Thrill killer na kulto gumagala sa Malabon

-
Isang delivery boy ang tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay saka dinilaan ang dugo nito ng dalawang thrill killer na pinaniniwalaang miyembro ng isang kulto kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ni Chief Insp. Napoleon Bataycan, investigation chief ng Malabon police ang biktimang na nasawi sa pinangyarihan na krimen ay nakilalang si Melvin Lardizabal, 28, binata at residente ng 129 Hernandez st., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Allan Salazar at isang alyas Reggie na pawang nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Joel Comandante dakong ala-1 ng madaling araw ng biglang harangin sila ng mga suspek na armado ng patalim.

Mabilis na tumakbo si Comandante habang inabutan ng mga suspek ang biktima saka pinagtulungang saksakin ng mga ito.

Sinabi naman ng ilang kapitbahay,nakita nilang bumagsak na duguan sa kalsada ang biktima kung saan ay nilapitan pa ito ng mga suspek saka nagtampisaw ang mga ito sa duguang katawan ni Lardizabal saka dinilaan ng mga ito.

Nagtawanan pa umanong naglakad palayo ang mga suspek habang nilalasap ang dugo sa kanilang mga kamay.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng isang kulto na pawang mga uhaw sa dugo ng tao.(Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ALLAN SALAZAR

BRGY

CATMON

CHIEF INSP

JOEL COMANDANTE

MALABON CITY

MELVIN LARDIZABAL

NAPOLEON BATAYCAN

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with