Walang 'whitewash' sa 5 karnaper na napatay - CPD chief
September 17, 2002 | 12:00am
Tiniyak ng pamanuan ng Central Police District (CPD) na walang magaganap na whitewash sa isinasagawang imbestigasyon sa naganap na shootout noong Sabado sa pagitan ng mga tauhan ng TMG at limang pinaghihinalaang karnaper.
Ito ang inihayag ni CPD director Senior Supt. Napoleon Castro matapos na magbigay ng pahayag ang ama ng isa sa napatay na suspect na si Jose Vernel na ang limang biktima ay pawang sinalvage ng mga tauhan ng TMG.
Nakatakda ding magsampa ng kasong kriminal ang ama ni Vernel laban sa mga tauhan ni Senior Supt., Danilo Mangila na siyang nagsagawa ng operasyon.
Ayon kay Castro, inatasan na niya si Criminal Investigation Unit chief Supt. Raul Medina na magsagawa ng masusing imbestigasyon at kumalap ng mga testigo na posibleng magturo na rubout at hindi shootout ang naganap noong madaling araw ng Sabado sa panulukan ng Hereford St. at Congressional Avenue sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Magugunitang sa naturang insidente limang sinasabing karnaper ang nasawi.
Gayunman, sinabi ni Medina na hindi uusad ang kasong rubout hanggat walang lulutang na testigo laban sa mga naturang pulis.(Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended