^

Metro

P1-M tinangay ng 'Bonnet Gang'

-
Halos kasabay nang isinasagawang pagpiprisinta sa media ni Pangulong Arroyo sa nadakip na umano’y walong miyembro ng ‘Bonnet Gang’ sa Camp Crame, sinasabing sinalakay naman ng ganito ding grupo ang isang gasolinahan sa Tondo, Maynila kahapon at tumangay ng may isang milyong pisong kita ng naturang gasoline station.

Nanginginig pa sa takot nang dumulog sa WPD police si Marichy Bergana, 32, supervisor ng Shell gas station na nasa Moriones at Juan Nolasco Sts. sa Tondo, Maynila.

Aniya, sakay ng Strada pick-up ay patungo sana sila sa isang bangko upang ideposito ang P800,000 cash ar P250,000 halaga ng tseke nang harangin sila ng mga suspect na hinihinalang miyembro ng ‘Bonnet Gang ‘ na armado ng matataas na kalibre ng baril at sapilitang kinuha ang dala niyang travelling bag na dito nakalagay ang pera. (Ulat ni Grace Amargo)

ANIYA

BONNET GANG

CAMP CRAME

GRACE AMARGO

JUAN NOLASCO STS

MARICHY BERGANA

MAYNILA

NANGINGINIG

PANGULONG ARROYO

STRADA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with