^

Metro

Electronics company sinalakay ng NBI

-
Sinalakay ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kompanya ng electronics kung saan umaabot sa P5 milyong halaga ng mga computers ang naglalaman ng mga unlicensed software ang nakumpiska.

Ang ginawang pagsalakay sa Electronic Publishing Ventures Inc. sa Penthouse B, Pacific Center Condominium sa #33 San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig City ay alinsunod sa reklamo ng Symantec Corp. and Adobe System Inc. kung saan ilegal na nagbebenta ang nasabing kompanya ng mga piniratang software program computers.

Nasamsam mula sa nasabing pagsalakay ang mahigit 42 units ng computer na naglalaman ng mga piniratang Symatecs Norton Anti-Virus Software program at Adobe Software na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Kaugnay nito, isang bodega na umano’y pagawaan naman ng mga pirated CD, VCD at DVD ang sinalakay din ng mga ahente ng NBI kung saan nakakumpiska rito ng mahigit na P5 milyong halaga ng mga gamit sa pamimirata.

Tinungo ng NBI ang bodega ng Industrial Complex na matatagpuan sa 168 Mercado St., Tabe Guiguinto, Bulacan na pag-aari ng isang nagngangalang Joffrey Aranda.

Nag-ugat ang ginawang pagsalakay base sa impormasyong natanggap ng NBI na ang nasabing bodega ay gawaan ng mga pirated CD, VCD at DVD. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ADOBE SOFTWARE

ADOBE SYSTEM INC

ELECTRONIC PUBLISHING VENTURES INC

INDUSTRIAL COMPLEX

JOFFREY ARANDA

MERCADO ST.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORTIGAS CENTER

PACIFIC CENTER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with