LRT bomber inuugnay sa MILF
September 12, 2002 | 12:00am
Kinumpirma ng PNP ang koneksyon ng kilalang teroristang nambomba sa LRT na si Fathur Roman Al-Ghozi sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi ni PNP Intelligence Group director, Chief Supt. Robert Delfin na tumutulong umano si Al-Ghozi sa pagkalap ng pondo para sa MILF base sa nakalap nilang intelligence report.
Si Al- Ghozi ay nadakip ng mga militar sa General Santos City kung saan nakumpiska sa kanya ang isang toneladang bomba. Sangkot din ito sa ilang mga pambobomba sa GenSan at sa madugong pag-atake ng mga terorista noong Disyembre 30, 2000 sa LRT na ikinasawi ng may 12 katao.
Inamin na umano minsan ni Al-Ghozi na nagpondo siya sa ilang operasyon ng MILF.
Isinasangkot si Al-Ghozi na nag-training umano sa kuta ng Taliban sa Afghanistan at nagturo rin sa mga sundalo ng MILF sa Camp Abubakar.
Kritikal ang naturang pahayag ni Delfin dahil sa kasalukuyang naka-ceasefire ang pamahalaan sa MILF at isinasagawa ang usapang pangkapayapaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended