^

Metro

Japanese executive nag-suicide

-
Lasug-lasog ang katawan ng isang Japanese trader na presidente ng isang electronics at export company makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-29 na palapag ng tinutuluyan nitong condominium sa Makati City kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Haruo Kawagishi, 40, may-asawa, presidente ng Okabeniko Company na matatagpuan sa EPZA Processing Zone sa Rosario, Cavite. Ito ay kinilala ng kanyang katulong na si Ruth Nobles, 29.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Juancho Ibis ng homicide section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:05 ng umaga sa tinutuluyan nitong condominium na Grand Tower Building sa San Agustin St., Salcedo Village, Makati City.

May hinala ang pulisya na mula sa tinutuluyan nitong Room 704 ay umakyat ang nasawi sa ika-29 na palapag ng naturang gusali at mula doon ay tumalon. Natagpuan sa 29th floor ang suot nitong tsinelas.

Malaki din ang paniwala ng mga awtoridad na uminom muna ng alak ang dayuhan bago isinagawa ang pagpapakamatay.

May kinalaman sa negosyo ang ilan sa anggulong tinitingnan ng pulisya na maaaring motibo sa isinagawang pagpapakamatay.

Gayunman, masusi pang sinisiyasat ang kaso para alamin kung walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

GRAND TOWER BUILDING

HARUO KAWAGISHI

JUANCHO IBIS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

OKABENIKO COMPANY

PROCESSING ZONE

RUTH NOBLES

SALCEDO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with