3 habambuhay sa kidnaper ng 2 pamangkin ni Dichaves
September 11, 2002 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng tatlong habambuhay na pagkabilanggo para sa tatlong counts ng kidnapping-for-ransom ang isang lalaki na dumukot sa dalawang pamangkin ng business tycoon na si Jaime Dichaves at yaya nito noong 1993.
Sa kanyang desisyon, inatasan din ni Judge Edelwina Pastoral ng Branch 18 ang akusadong si Ernesto Uyboco na magbayad ng P150,000 bilang moral damages. Samantala, ang kasama niyang akusado na si Ret. Col. Wilfredo Macias ay namatay nito lamang nakaraang Hulyo 25 dahl sakit bago pa ibaba ang desisyon.
Sina Jeson Kevin at Jeson Kirby Dichaves na noon ay 5 at 2 taon lamang ay kinidnap kasama ang kanilang yaya na si Nimfa Celis noong Dis. 20, 1993 habang sakay ng kanilang Isuzu truck, may plakang PRE-998 at minamaneho ni Pepito Acon.
Sinabi umano ng mga akusado na kailangan silang pumunta sa pulisya at sa puntong ito ay pinasakay nila si Acon sa jeep samantalang isang kasamahan ng mga akusado ang siya namang nagmaneho ng Isuzu na kanilang dinala sa isang bungalow sa Merville Subd. sa Parañaque.
Tatlong araw na idinetine ang mga biktima habang hinihingi ng mga kidnapper ang halagang P26 milyon kapalit ng kalayaan ng kanyang mga anak.
Nagkaroon ng tawaran hanggang sa magkasundo sila sa P1.5 milyon kung saan P1.325 nito ay ibibigay ng cash samantalang ang balanse ay alahas na lamang.
Samantala, ang bayaran ay itinakda sa Magallanes Commercial Center sa Makati dakong 3:30 ng hapon ng Dis. 22, 1993. Lingid sa kaalaman ng mga akusado ay humingi ng tulong sa PACC at intelligence command ng PNP ang kaanak ng mga biktima.
Nakuha ang mga biktima sa isang kainan sa gasoline station malapit sa pinag-iwanan sa ransom money. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest