^

Metro

2 Palestinian terrorists nasabat sa NAIA

-
Pinigilan at hindi pinayagang makapasok ng mga kagawad ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA ang dalawang Palestinian nationals na hinihinalang miyembro ng terorista dahil sa pagtataglay ng Egyptian passports.

Kinumpiska din ng Bureau of Customs ang 16 na kahong kargamento ng mga dayuhan na naglalaman ng mga piyesa ng washing machine, disassembled accessories ng Nokia 6210 cellphone, mahigit isang daang camera films at mga mamahaling colored blankets na pawang undeclared.

Kinilala ni Simeon Vallada, BI-NAIA head supervisor ang mga Palestino na sina Sami Mohammed Sa Soliman, 27, at Ammar Mahdommar, 33. Sila ay dumating sa NAIA noong Lunes ng gabi mula sa Guangzhou, China via Hong Kong sakay ng Cathay Pacific flight CX 905.

Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ng mga dayuhan na binili nila ang mga gamit sa China at dadalhin ang mga ito sa Saudi Arabia bilang transshipment buhat sa Maynila, subalit nagduda ang mga awtoridad dahil walang maipakitang return tickets ang mga ito.

Hinala ng mga awtoridad na maaaring ipamahagi ng mga Palestino sa ibang grupo ng terorista sa ibat-ibang panig ng bansa ang mga dala nilang kargamento upang gamitin sa paggawa o pagpapasabog.

Kung magugunita, cellphone ang ginamit na detonating device sa halos magkakasabay na pagsabog na naganap sa Metro Manila noong nakalipas na Disyembre 30, 2000.

"Maaaring may koneksyon ang dalawang Palestino sa terrorist group na maglulunsad ng pag-atake sa US Embassy sa Maynila bilang paggunita sa unang taong anibersaryo ng terrorist attack sa World Trade Center sa New York ngayong araw na ito.

Ipinag-utos naman ni Atty. Lina Molina, NAIA-BoC deputy collector for passenger services ang pagkumpiska sa mga piyesa upang hindi na ito magamit sa anumang sinister plot na maaaring isagawa ng mga terorista.(Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

AMMAR MAHDOMMAR

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH M

CATHAY PACIFIC

HONG KONG

LINA MOLINA

MAYNILA

PALESTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with