^

Metro

2 Koreano na miyembro ng KFR gang naaresto

-
Dalawang Koreano na hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate na bumibiktima sa kapwa nila Koreano ang dinakip ng mga kagawad ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Kinilala ni Ferdinand Sampol, hepe ng BI Monitoring and Enforcement Unit (MEU) ang mga nadakip na suspect na sina Byeong Jun Park, 33, at Dae Sung Kim, 33. Ang mga Koreano ay nakatakda na sanang sumakay sa Asiana Airline patungong Seoul, South Korea nang masakote ng mga awtoridad.

Ayon kay Sampol, ang pagkakadakip sa dalawang dayuhan ay bunsod ng kahilingan ng Korean Embassy sa Maynila makaraang makatanggap ng ulat na naghahanda nang umalis ang mga suspect sa bansa para makaiwas sa mga awtoridad.

Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na ang dalawang suspect ay matagal ng pinaghahanap ng mga miyembro ng Western Police District matapos kidnapin ang kanilang kababayan na si Lee Chueng Kuen noong nakaraang buwan sa Malate. Nabatid na nagbayad lamang ng ransom ang biktima kaya ito pinalaya.

Samantala, patuloy ang isinasagawang manhunt operation sa iba pang kasamahan ng mga suspect na pinaniniwalaang nasa Maynila pa.(Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

ASIANA AIRLINE

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH M

BYEONG JUN PARK

DAE SUNG KIM

DALAWANG KOREANO

FERDINAND SAMPOL

KOREAN EMBASSY

KOREANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with