Napag-alaman sa tanggapan ni NFA Administrator Tony Abad na ginawa nila ang naturang hakbang dahil sa nilabag umano ng mga ganid na negosyante ang NFA rules and regulations sa bentahan ng NFA rice.
Nabatid ng ahensiya na kabilang dito ang overpricing, walang sign board ang produktong bigas, diversion ng stock ng bigas at iba pa.
Umaabot umano sa may 552 rice dealers sa buong bansa ang iniimbestigahan ng NFA dahil sa ibat-ibang katiwalian at mga paglabag.
Kaugnay nito, binuksan naman ng NFA ang kanilang pintuan para tumanggap ng mga sumbong laban sa mga mapagsamantalang negosyante. (Ulat ni Angie dela Cruz)