Sanggol na hinostage ng adik nasagip
September 10, 2002 | 12:00am
Sa pangambang maulit ang naganap na hostage tragedy na dito nasawi ang apat-na-taong gulang na si Dexter Balala, ginamit na ng mga miyembro ng Pasay City police ang kanilang natutuhan sa isinagawa nilang re-training matapos na matagumpay nilang ma-rescue ang isang 8-buwang sanggol na hinostage ng kanyang adik na tiyo, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Nabawi sa kamay ng kanyang nagwawala at nang-hostage sa kanyang tiyo ang biktima na si Baby Joseph Eralino, ng Vergel St., Brgy. Cabrera ng nabanggit na lungsod.
Agad din namang nadakip ang suspect na si Gerald Eralino ng nabanggit ding lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa bahay mismo ng biktima.
Nabatid na nagtungo doon ang suspect upang umutang ng pera sa magulang ng bata, gayunman bigla itong nagalit at nagwala ng hindi siya pautangin ng mga magulang ni Baby Joseph.
Dahil dito, mabilis na kumuha ng patalim ang suspect at saka hinablot ang sanggol at hinostage.
Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Pasay police sa insidente at upang hindi na maulit ang palpak na rescue operation gaya ng naganap kay Dexter ay ginamit nila ang kanilang natutunan sa re-training sa Subic.
Habang nilalansi ang suspect sa ginaganap na negosasyon ay hindi na nagdalawang isip ang mga awtoridad at nang maka-tiyempo ay bigla na itong sinunggaban. Nailigtas din ang hostage nitong sanggol na nagtamo lamang ng mga bahagyang sugat sa katawan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended