Misis kritikal sa pananaga ng selosong mister
September 8, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang 40-anyos na ginang makaraang pagtatagain siya ng kanyang selosong mister, kahapon ng madaling araw sa Navotas.
Nasa bingit ng kamatayan ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang ginang na si Esmeralda Cantos, ng 1204 Paltok, Raja Matanda, Barangay Daang Hari, ng nasabing bayan sanhi ng tinamo nitong malalalim na taga sa mukha at katawan.
Nasa kustodya na ng pulisya ang suspect na mister na si Jose Cantos.
Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw ng maganap ang insidente nang umuwing lasing ang suspect at komprontahin ang asawa hinggil sa nababalitaan nito na may ibang lalaki ang misis. Mariin naman itong itinanggi ng biktima.
Habang nasa kainitan ng pagtatalo ay biglang kumuha ng itak ang suspect at pinagtataga ang biktima. Natigil lamang ang pananaga ng suspect ng sumaklolo ang mga kapitbahay ng mag-asawa sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am