^

Metro

Efren Reyes Jr., nagwala sa coffee shop inireklamo

-
Inireklamo sa pulisya ng isang negosyanteng ginang ang action star na si Efren Reyes Jr. makaraang iskandaluhin siya nito sa loob ng coffee shop dahil umano sa agawan ng kliyente sa negosyong networking sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nagreklamo na ginang na si Grace Sevilla, 45, ng #4 Bergan St., North Fairview Homes, Quezon City.

Kahapon ay pormal na dumulog ang ginang sa tanggapan ng Criminal Investigation Unit ng Eastern Police District (EPD) Command upang pansamantalang maitala sa police blotter ang pag-eeskandalo sa kanyang establisimiyento ng action star.

Base sa salaysay ni Sevilla, pasado alas-6 ng gabi nitong Biyernes, habang kasalukuyan niyang kinakausap ang kanyang mga tauhan sa loob ng Figaro Coffee Shop sa Emerald St., Ortigas Center ng naturang lungsod nang dumating si Reyes.

Ayon sa ginang, normal lamang umano na nagpapalipas sila ng oras sa coffee shop kasama ang kanyang mga tauhan sa First Quadrant, isang networking organization kung saan kasama rito si Gigi Kho na girlfriend ng action star.

Nabatid na si Reyes ay bagong recruit din ng grupo na madalas makipagpulong sa kanila dahil nawiwili na rin sa networking.

Sinabi ni Sevilla na bigla na lamang umano siyang isinalya ni Reyes, itinulak sa dingding at hiniya sa harapan mismo ng maraming kostumer. Bukod sa mura, sinabihan pa umano siya ng aktor ng ganito: "Huwag mo akong galitin, masama akong magalit. Bakit mo sinusulot si Gigi? Iba akong magalit, masasaktan ka lang sa akin." Ito ang mismong nakatala sa police blotter na sinabi umano ni Reyes laban sa biktima na dinuro pa nito at kulang na lang ay suntukin.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na awayan sa kliyente sa nasabing networking ang personal na ikinagalit ni Reyes laban kay Sevilla. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BERGAN ST.

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EASTERN POLICE DISTRICT

EFREN REYES JR.

EMERALD ST.

FIGARO COFFEE SHOP

FIRST QUADRANT

GIGI KHO

REYES

SEVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with