^

Metro

Pabrika ng pekeng CD at VCD sinalakay

-
Muli na namang umiskor kahapon si Videogram Regulatory Board (VRB) chairman Ramon "Bong" Revilla kasama ang Valenzuela City Police makaraang malansag ang malaking grupo ng sindikato na sangkot sa pamemeke ng mga CD at VCD matapos na maaresto ang limang Taiwanese nationals at isang Pinoy sa isinagawang sunud-sunod na pagsalakay kahapon sa nabanggit na lungsod.

Tinatayang aabot sa P300 milyon halaga ng mga malalaking makina at mga pekeng CD at VCD ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon.

Nakilala naman ang mga nadakip na sina Hai Yang Siao, Zao Tsung Syao, Zun Wang, Sao-Ma, Shang We at ang Pinoy na si Dennis Rivera, 30.

Sa panayam kay Senior Supt. Leopoldo Orena, hepe ng Valenzuela City Police isinagawa ang operasyon kahapon ng madaling araw nang lusubin ang malaking bodega na nagsisilbing factory ng sindikato sa Joy St., Brgy. Punturin ng nabanggit na lungsod.

Dagdag pa ni Orena na ang nasabing bodega ay guwardiyado umano ng mga blue guards. May 11 makina na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng CD at VCD ang nasamsam.

Base sa ulat, isang impormante umano ang nagbigay sa kanila ng impormasyon hinggil sa ilegal na operasyon na nangyayari sa loob ng nasabing bodega dahilan upang bumuo ng team ang VRB at Valenzuela Police.

Sinalakay ang bodega sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City RTC. (Ulat ni Rose Tamayo)

DENNIS RIVERA

HAI YANG SIAO

JOY ST.

LEOPOLDO ORENA

PINOY

ROSE TAMAYO

SENIOR SUPT

SHANG WE

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with