Sinabi ni Edilberto Yap, chief ng ATO na ipinatigil nila ang pagpapalipad sa De Havilland-7 fleet ng Asian Spirit matapos ang nabanggit na insidente.
Magugunitang noong Huwebes dakong alas-6:50 ng gabi ay biglang bumalik sa Maynila ang nasabing eroplano matapos itong mag-take-off sa Manila Domestic Airport patungong Caticlan, Aklan makaraang magka-diprensiya ang landing gear.
Karamihan sa mga pasahero nito ay mga turista na magtutungo sa Boracay Island resort.
Halos tatlong oras nagpaikut-ikot sa himpapawid ng Maynila ang eroplano para magbawas ng gasolina upang maiwasan ang pagsabog at makapalag sa runway ng airport.
Nagbalik ang eroplano sa Manila at nag-crashland sa isang madamong bahagi, isang kilometro sa hulihan ng runway. (Ulat nina Joy Cantos at Butch Quejada)