^

Metro

Asian Spirit grounded

-
Iniutos kahapon ng Air Transportation Office (ATO) ang pansamantalang pagsuspinde sa pagbibiyahe ng eroplanong De Havilland-7 fleet ng Asian Spirit kaugnay na rin ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naganap na pag-crashed ng isa nitong eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakalipas na Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Edilberto Yap, chief ng ATO na ipinatigil nila ang pagpapalipad sa De Havilland-7 fleet ng Asian Spirit matapos ang nabanggit na insidente.

Magugunitang noong Huwebes dakong alas-6:50 ng gabi ay biglang bumalik sa Maynila ang nasabing eroplano matapos itong mag-take-off sa Manila Domestic Airport patungong Caticlan, Aklan makaraang magka-diprensiya ang landing gear.

Karamihan sa mga pasahero nito ay mga turista na magtutungo sa Boracay Island resort.

Halos tatlong oras nagpaikut-ikot sa himpapawid ng Maynila ang eroplano para magbawas ng gasolina upang maiwasan ang pagsabog at makapalag sa runway ng airport.

Nagbalik ang eroplano sa Manila at nag-crashland sa isang madamong bahagi, isang kilometro sa hulihan ng runway. (Ulat nina Joy Cantos at Butch Quejada)

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ASIAN SPIRIT

BORACAY ISLAND

BUTCH QUEJADA

DE HAVILLAND

EDILBERTO YAP

HUWEBES

JOY CANTOS

MANILA DOMESTIC AIRPORT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with