Inirekomenda ni Acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr. ang pagsasampa ng kaso laban sa mga PNP officials na kinabibilangan nina Chief Supt. Reynaldo Acop; Supt. Francisco Villaroman; Supt. John Campos; Chief Inspector Julius Ceasar Mana, Chief Insp. Cesar Aquino; SPO2 Antonio Ventura; SPO2 Mabini Rosale; SPO1 Danilo Castro; PO3 Ferdinand Apuli at PO1 Anthony Ong.
Ang mga nabanggit na pulis ay pawang dating miyembro ng PNP Narcotics Command ay kinasuhan matapos mapatunayan ng Ombudsman na may matibay na ebidensiya laban sa mga ito.
Ito ay matapos namang mag-testify si Mary Ong na mas kilala bilang Rosebud na nagsabing pinalaya umano ang anim na hinihinalang Chinese drug manufacturers na kinabibilangan nina Lu Shao Min, Wang Jin Luan, Jin Piao Wang Chua, Li Jiaz Hu, Ah Chun at Eduardo Ling Hing Ong kapalit ng nabanggit na halaga at kilo ng shabu.
Sinabi pa sa ulat na namagitan si Rosebud para kausapin ang mga nabanggit na pulis para sa pagpapalaya sa mga nadakip na Tsino.
Si Acop ay isinama sa kaso dahil sa pagiging commanding officer ng mga pulis. (Ulat nina Malou Escudero at Angie Dela Cruz)