^

Metro

Curfew sa Maynila tuloy na

-
Ipinasa na kahapon ng konseho ng Maynila ang ordinansang magpapatupad ng curfew para sa mga menor-de-edad.

Sinabi ni Vice-Mayor at Presiding Officer Danilo Lacuna, nagkakaisang ipinasa ng mga miyembro ng konseho ang nasabing ordinansa sa ikatlo at huling pagbasa at iniakda ni Konsehal Julio Logarta Jr. (6th district).

Ayon pa sa kanya, ang pag-apruba sa ordinansa ay bunga na rin ng kahilingan ng mga barangay chairman at maging ni Western Police District Director Chief Supt. Pedro Bulaong, na nagsabing ang pagkakaroon ng curfew ay isang mabisang paraan upang mailayo ang mga kabataan sa droga at iba pang krimen.

Ipinaliwanag ni Logarta na ang sasakupin ng kanyang ordinansa ay mga kabataang may edad 18 pababa na pagbabawalan nang magpakalat-kalat sa daan mula 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga, liban na lamang kung sila ay nag-aaral o nagtatrabaho ng lehitimo kung gabi, nautusan para sa ‘lawful’ o emergency errands gaya ng pagbili ng gamot.

Samantala, wala namang curfew kapag Biyernes, Sabado at gabi bago mag-holiday at ito ay muling ipatutupad pagsapit ng 1 a.m. ng sumunod na araw.

Ang mga lalabag ay parurusahan ng admonition at reprimand para sa una at ikalawang offense. Para sa ikatlong offense pataas, ang parusang naghihintay ay multa o pagkakulong o pareho, depende sa magiging desisyon ng korte, kung ang lumabag ay may edad 15 hanggang 18. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

BIYERNES

IPINALIWANAG

IPINASA

KONSEHAL JULIO LOGARTA JR.

LOGARTA

PEDRO BULAONG

PRESIDING OFFICER DANILO LACUNA

WESTERN POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with