^

Metro

Ador Mawanay naglalako na lang ng cellphone sa Senado

-
Natatandaan ba ninyo si Ador Mawanay?

Siya ang kontrobersiyal na witness na nagsangkot kay Sen. Panfilo Lacson sa drug trafficking at kidnap-for-ransom operation.

Ito din ang nagdawit kay Sen. Loren Legarda sa isyu ng cellphones.

Matapos na lumamig ang mga isyung ibinunyag nito, si Ador Mawanay ay makikita pa rin sa loob ng Senado, subalit hindi na para magbunyag ng kanyang mga nalalaman kundi ngayon ay nagbebenta na ito ng cellular phones sa mga empleyado at staff ng mga senador.

Bagsak presyo umano ang halaga ng mga brand new cellphones na inilalako ni Mawanay sa mga empleyado ng mataas na kapulungan.

Hindi naman binanggit ni Mawanay kung saan nagmumula ang mga ibinebenta niyang mga cellphone.

Magugunita na wala na sa custody ni ISAFP chief Victor Corpuz si Mawanay matapos itong tanggalin sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Magugunitang bukod sa pagbubunyag nito kay Sen. Lacson na sangkot sa mga ilegal na operasyon, idinawit din nito si Sen. Legarda nang sabihin niya sa senate committee on public order and illegal drugs na nagdeliber umano siya dito ng isang van ng brand new 3210 Nokia cellphones sa parking lot ng Star City complex. Dahil dito’y na-detain si Mawanay sa tanggapan ng Office of the Sergeant-at-Arms kung saan ay tumagal siya ng may tatlong araw. (Ulat ni Rudy Andal)

ADOR MAWANAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

LOREN LEGARDA

MAWANAY

OFFICE OF THE SERGEANT

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

STAR CITY

VICTOR CORPUZ

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with