Supporters ni Tinga nagbabala vs recall election
September 5, 2002 | 12:00am
Dadanak ang dugo kapag ipinilit ng Preparatory Recall Assembly (PRA) na magkaroon ng recall election sa bayan ng Taguig.
Ito ang naging pagbabanta ng residenteng pawang supporters ni Taguig Mayor Sigfrido Tinga.
"Magkakasubukan, niloloko na nila ang taumbayan," pahayag pa ng mga galit na galit na residente.
Binanggit pa ng mga taga-suporta ng mayor na dadanak ang dugo sa bayan kapag iginiit ng PRA na kinabibilangan ng 82 barangay captain at mga Sangguniang Kabataan chairman ang recall. Ang PRA ay pinamumunuan ni Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano.
Desperado na umano ang mga residente dahil sa hindi na nabigyan ng katahimikan ang bayan at puro labanan sa pulitika ang naghahari.
Gayunman, isinusulong ng karamihan sa mga barangay officials ang recall election sa bayang nabanggit na malamang na maidaos ito sa buwan ng Oktubre na sa kabila ng kakapusan sa budget ang pamahalaan ay maglalaan ang Commission on Election ng pondo para sa nakatakdang halalan.
Sinabi naman ng kampo ni Tinga na ilegal ang pirmahan sa pagitan ng PRA, COMELEC at DILG noong nakalipas na linggo, kayat magkakaroon pa ng legal battle sa naturang usapin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended