Utol ni Ople kakasuhan sa pagkasugat sa 7 katao
September 4, 2002 | 12:00am
Sasampahan ng kasong kriminal ng San Juan police ang utol ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople matapos aksidenteng masuyod ng kanyang sasakyan ang isang fast food chain na nagresulta sa pagkakasugat ng pitong katao kamakalawa.
Si Fernando Ople,70 anyos na kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center matapos atakehin sa puso ay nahaharap sa kasong damage to property & reckless imprudence resulting to multiple physical injuries sa Pasig City Prosecutors Office.
Batay sa imbestigasyon,dakong alas-2:30 ng hapon habang binabaybay ni Fernando sakay ng kanyang kulay berdeng Honda Civic (BFO-999) ang kahabaan ng Connecticut st.,patungong Unimart nang mahagip ito ng isang rumaragasang BMW car.
Nang bumaba umano si Fernando para inspeksiyunin ang pinsala ng kanyang kotse nang gasgas lang ay binaliwala na nito at muling sumakay.
Subalit nanikip ang dibdib nito at aksidenteng natapakan ang gas ng sasakyan na naging dahilan para umandar ang kotse at nasuyod nito ang Kentucky Fried Chicken at nasugatan ang pitong kustomer. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended