Nagpadala si DENR Secretary Heherzon Alvarez ng notice of violation (NOV) kay Parañaque City Mayor Joey Marquez at Taytay Mayor June Zapanta hinggil sa patuloy na operasyon ng naturang mga open dumpsites.
Sa ipinadalang NOV, sinabi ni Alvarez sa naturang mga alkalde na walang clearance mula sa DENR ang naturang mga imbakan at hindi ito maaaring buksan hanggat walang pahintulot mula sa nabanggit na ahensya.
Kaugnay nito, hiniling din ni Alvarez kina Marquez at Zapanta na magpaliwanag sa panulat sa loob ng 7 araw kung bakit hindi sila maaaring maparusahan hinggil sa ginawang paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Ang mga open dumpsites na malapit sa residential at commercial area ay matatagpuan sa Doña Soledad Ave. at Cul-de-sac Road sa Brgy. Sun Valley Greenville Subd. at isa sa loob na lumang sementeryo sa Himlayang Palanyag, Brgy. San Dionisio sa Parañaque. Gayundin sa Kenneth Road, Sitio Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal. (Ulat ni Angie dela Cruz)